ano ang aking natutunan mula sa nakaraang bakasyon ng pamilya sa hundred islands sa alaminos, pangasinan?
isang bagay lamang -- na kaya maligo ng isang tao na anim na tabo ng tubig lang ang ginagamit.
nitong nakaraang linggo, nagbakasyon ang pamilya sa pinoy big brother house sa governors island sa pangasinan. cute ang bahay ni kuya sa hundred islands -- may dalawang kwarto na puno ng double-decker na kama. konting hakbang lang, pwede nang mag-snorkel.
may isang sabit -- walang kuryente. at mula alas sais ng gabi hanggang alas sais ng umaga lang tumatakbo ang generator.
isa pang sabit -- ang tubig na nasa tangke ay sapat sa pagligo ng 15 katamtamang-laking tao lamang. at ang pamilya namin ay binubuo ng 25 malalaking tao. hindi sapat ang tubig sa tangke para maligo nang mahusay kaming lahat.
ang solusyon? tig-anim lang na tabo ng tubig ang pampaligo bawat tao. sa pag-uwi na lang maliligo nang lubusan.
paano maligo nang matiwasay na anim na tabo lang ang gagamitin? eto ang mga payo ng pamilya
ninin -- dahan-dahan ang pagbuhos ng tubig.
mommy -- konting shampoo lang ang gamitin.
odette -- tanggalin ang lahat ng sobrang shampoo bago magbanlaw
aunti didit -- pwedeng hindi na sabunin ang binti
tuton -- umupo habang nagbubuhos ng tubig
jong -- kunin ang anim na tabong tubig ng mga taong hindi maliligo, para madagdagan ang iyong rasyon ng tubig
masarap at madami ang pagkain, maganda at malapit ang dagat, at kasama ang maiingay at nakakatawang kapamilya. sinong may kailangang maligo?